Napakaraming klase ng ama sa buong mundo. Iba’t-iba man ang ating pagpapakahulugan sa
kanila, may isang nagingibabaw na katotohanan sa kanilang pagkatao, ang
pananatiling ating ama kahit ano at sino man sila.
Mula sa aking pagkabata, alam ko kung gaano ako inalagaan at
inaruga ng aking ama.Simula sa paggising at hanngang sa pagtulog ay ramdam ko
ang kanyang nag-uumapaw na kasiyahan sa pagkakaroon ng isang anak. Bilang panganay
na lalaki, walang masidlan sa kanyang puso ang
galak at pagmamahal na bumambalot sa kanyang pagkatao. Naalala ko pa
noong napakataas ng aking lagnat, hindi na niya alintana kung ano ang kanyang
suot sa pagmamadali para maitakbo ako sa ospital. Alam ko kung gaano kahalaga
sa kanya ang pagkakaroon ng anak. Lahat
ay kakayaning gawin para lng matustusan ang pangangailangan at maipadama ang
kaginhawaan sa pamilya.
Lumipas ang mga taon at habang kaming magkakapatid ay
lumalaki, naiba ang direksyon ng aming buhay. Minsan dumaan ang pagsubok na
siyang nagpapatatag sa buong pamilya. Minsan na rin nadapa at nalugmok sa bisyo
ang aking ama. Kung paano siya nakabangon sa kanyang kahinaan ay isang bagay na
lubos kong pinapasalamatan sa Diyos.
“Pa”, alam ko na may mga bagay na hindi na natin pwede
ibalik. Gawin na lng po nating isang malaking aral sa buhay ang mga pinagdaanan
ng ating pamilya noon. Sa araw na ito,
gusto ko lng malaman mo na sobrang saya ko po na ikaw ang aking naging ama. Wala
man po ako sa tabi niyo ngayon para sabihin sa inyo kung gaano ko kayo kamahal,
ay palagi po kayo nasa aking pagdarasal. Alam ko kung gaano niyo po kagusto
mabuo at magsama-sama na ating pamilya. Ipinagdadarasal ko na sa tamang
panahon, matutupad din ‘yong pangarap na iyon.
Marami pong salamat sa lahat ng pagsasakripisyo at walang-hanngang
pagmamahal sa amin. HAPPY FATHER’S DAY PA!